Friday Jun, 28 2024 05:15:24 AM

Inabandonang smuggled cigarettes, narekober ng PNP sa Maguindanao Norte

Local News • 23:15 PM Mon Jun 10, 2024
242
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

SAMPUNG malalaking kahon na may lamang mga smuggled na sigarilyo ang narekober ng mga pulis sa Barangay Ungap, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte pasado alas 8:00 kagabi.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Officer in Charge Captain Norman Nur, ang mga narekober na sigarilyo ay nagkakahalaga ng P180,000.

Ayon sa ulat, namataan ito ng isang concerned citizen sa madilim na bahagi ng nasabing barangay at agad ipinaalam sa mga otoridad.

Hindi pa batid ng PNP kung sino ang nag-iwan at kanino galing ang nasabing mga sigarilyo na may iba’t-ibang product brand.

Patuloy pa ngayong tinutugis ang mga suspek:

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang anti-criminality checkpoint operations, police visibility at boarder control ng Sultan Kudarat PNP upang mapigilan ang pagpuslit ng mga iligal na produkto sa bayan.

Ang cigarette smuggling sa rehiyon ayon sa PNP ay hindi lang magpapahina sa mga legal businesses, kundi banta rin sa kalusugan ng publiko.

Mas pina-igting pa ng PNP at LGU sa Sultan Kudarat ang pagpapalakas ng kampanya kontra smuggling at iba pang iligal na aktibidad.

Pinapurihan din ng PNP ang mga mapagmatyag na mga concern citizen na malaking tulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa bayan.

May be an image of 3 people and text that says 'R Al AIQUADCAMERA QUAD CAMERA Shot Shotonrealme5i on realme 5i'

May be an image of 5 people and text that says 'R AI AIQUADCAMERA QUAD CAMERA Shot Shotonrealme5i on realme 5i'

Floods, landslides hit Sultan Kudarat upland village, affect 6 families

ISULAN, Sultan Kudarat  – The municipal disaster responders in Bagumbayan, Sultan Kudarat have evacuated six families following flash floods and...

OCD-BAR capacitates BARMM LGUs on emergency response

COTABATO CITY - The Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region has started capacitating emergency responders in cities and provinces under...

Cotelco announces power interruption in Kabacan

  TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO) in Kabacan area: This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces power service interruption for June 28

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced a scheduled power interruption affecting Datu Udtog Matalam...

Lady drug dealer with P680K shabu nabbed in Wao

WAO, LANAO DEL SUR - A coordinated drug bust led to the apprehension of one high-value female drug dealer and the seizure of 100 grams of Shabu...