Elected barangay kagawad patay sa pamamaril sa Midsayap
Local News • 11:45 AM Wed Nov 1, 2023
543
By:
Drema Quitayen Bravo/DXMS
COTABATO CITY - Hindi na makapagsisilbi pa bilang lawmaker ng barangay si Suharto “Doc” Antilino ng Barangay Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato.
Ito ay makaraang siyay barilin ng hindi pa nakikilalang gunman bago mag alas 10 ngayong umaga. Siya ay tinamaan sa ulo.
Sinabi ni Midsayap town police chief Lt. Colonel John Miridel Calinga sa DXMS na agad isinugod si Antilino sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.
Nanalong Brgy Kagawad patay sa pamamaril sa Midsayap, Cotabato
Patuloy ang imbestigasyon at manhunt operation laban sa suspek