Thursday Sep, 28 2023 01:07:31 PM

Displaced families in Datu Hoffer rise to 72 after MILF-DI clash

Mindanao Armed Conflict • 06:45 AM Wed Sep 13, 2023
256
By: 
Drema Quitayen Bravo

 

ABOT sa 72 mga pamilya ng mga katutubong Teduray ang nananatili pa rin sa tatlong mga evacuation center ng Datu Hoffer, Maguindanao del Sur matapos ang bakbakan ng MILF at Dawla Islamiyah terror group sa Barangay Tuayan lunes ng umaga.

Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management o PDRRM Officer Ameer Jehad ‘Tim’ Ambolodto na sa ngayon ay wala pang clearance mula sa militar at LGU na ligtas nang makauwi ang mga nagsilikas na mga sibilyan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Datu Hoffer town police chief Lt. Albert Pansoy na patuloy ang kanilang monitoring sa lugar katuwang ang militar kasunod ng pagkasawi ng dalawang Dawla Islamiyah Group members.

Ang dalawang nasawi ay nananatiling walang pagkakakilanlan. Tiniyak naman nito na walang nasugatan o namatayan sa panig ng mga katutubo.

Ngayong araw nakatakda ang pamamahagi ng ayuda ng provincial government sa mga naipit na pamilya kapag meron nang go signal mula sa Army, ayon kay Ambolodto.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...