Monday May, 20 2024 12:33:20 AM

City Comelec chief, humingi ng paumanhin sa magulong distribution ng honorarium ng mga guro

Local News • 17:30 PM Thu Nov 2, 2023
417
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato
Photo by DXMS

COTABATO CITY - HUMINGI ng despensa si City Election Officer Atty. Norpaisa Paglala-Manduyog sa mga gurong nagsilbi noong BSKE 2023 dahil sa pagkaantala ng pamamahagi ng kanilang honorarium kaninang umaga sa tanggapan ng COMELEC-BARMM.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Atty. Manduyog, naiintindihan nito kung bakit mainit ang ulo ng ilan sa mga gurong nagtungo sa kanilang tanggapan dahil rin mismo sa mainit ang panahon.

Dagdag pa ni Paglala na naglabas ang COMELEC ng memorandum tungkol sa magiging proseso sa pamamahagi ng honorarium ngunit hindi ito alam ng ilan sa mga guro kung kaya't nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa araw ng Distribution of Honorarium.

Sa ngayon ay kalmado na ang sitwasyon sa labas ng Comelec BARMM.

Nabatid na P8, 500 ang natanggap ng chairman habang ang poll clerk at third member ay P7, 650.

Samantala, nabanggit din ni Paglala na maaari nang magsimula sa panunungkulan ang mga bagong halal na opisyal matapos ang kanilang oath-taking.

Nagpasalamat naman si Manduyog sa mga nagwagi at mga hindi nagwaging kandidato maging ang mga security forces katuwang ang mga gurong nagsilbi noong election dahil nagtapos ang halalan ng mapayapa.

May be an image of 5 people, crowd and text

May be an image of 8 people

May be an image of 4 people, crowd and text

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...