Binatilyong namiesta, nakuryente habang pauwi sa Arakan, North Cotabato
Breaking News • 12:15 PM Sat Jun 17, 2023
1
By:
DXND Radyo Bida
BINATANG galing sa fiesta, nakuryente nang umano'y sumabit sa kable ng kuryente habang sakay ng motorsiklo sa Sto. Niño, Arakan, North Cotabato kaninang madaling araw.
Kinilala ang lalaki na si Jay Ar Sumugod na taga Meocan, Arakan, North Cotabato.
Nabatid na low visibility ang kalsada ng mga panahon na iyon dahil sa fogs at habang bumabiyahe ang nasabing indibidwal kasama ang isa pa mula sa piyesta sa Barangay Katipunan ay sumabit sila sa isang kable ng kuryente.
Nakaligtas palayo ang isa pang kasamahan nito pero may lumabas umanong dugonsa tenga nito.
Hindi pa batid kung kumusta ang sitwasyon ng mga biktima.
Nakikipagugnayan na ang Radyo Bida sa mga awtoridad.