Saturday Apr, 20 2024 08:53:16 AM

BIFF leader slain in clash with gov't forces in MagSur

Mindanao Armed Conflict • 08:45 AM Sat Mar 23, 2024
1
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Napatay ang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) matapos na makipag-engkwentro sa tropa ng pamahalaan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, alas-2:25 ng madaling araw kahapon (March 22, 2024).

Kinilala ni Brigadier General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 1st Brigade Combat Team ang nasawi na si Abu Halil, training officer ng BIFF-Karialan Faction at kapatid ni Khadafi Abdulatif, ang chief of staff ng BIFF-KF.

Batay sa ulat, nagka-engkwentro ang sundalo at ang ‘di mabilang na grupo ng mga teroristang pangkat sa Sitio Binakuyan, Brgy. Lower Salbu sa nasabing bayan na tumagal ng dalawampung minuto ang bakbakan.

Matapos na umatras ang mga kalaban, agad na nagsagawa ng clearing operations ang mga sundalo dahilan para matagpuan ang bangkay ni Halil, na iniwan ng kanyang mga kasamahan.

Bukod dito, nasabat din ng operating troops ng 1BCT ang isang M16 rifle, apat na mga magasin, bandolyer, mga bala at iba pa.

Sinabi ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6ID/JTF-Central na bagaman at tagumpay ito sa panig ng pamahalaan para maprotektahan ang mamamayan, nalulungkot din siya sa sinapit ng mga taong nabiktima lamang ng maling ideolohiya.

“Una, binabati ko ang tropa ng 1BCT sa matagumpay na operasyong ito, gayunpaman patuloy ang aking panawagan sa mga nabiktima ng sirkumstansiya na magbalik-loob na sa pamahalaan upang ‘di ninyu sapitin ang sinapit ni Halil,” pahayag pa ni Maj. Gen. Rillera.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...