Saturday Apr, 20 2024 08:09:09 AM

BIFF, inaming sila ang may gawa ng ambush sa Datu Hoffer na ikinasawi ng 4 na sundalo

Mindanao Armed Conflict • 15:00 PM Tue Mar 19, 2024
528
By: 
DXMS NDBC

INAKO ng Islamist militant na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karialan Faction ang pananambang sa apat na sundalo ng 40IB sa Tuayan 1, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Linggo ng umaga.

Sinabi sa Radyo Bida ni BIFF Karialan Faction spokesman Abu Supyan, na naghigante lamang sila pang-aatake sa kanila ng mga sundalo.

“Nanahimik lang kami, pero raid sila ng raid (atake), kahit yung kapatid ni Kumander Kagi Karialan na isang matandang sibilyan, pinatay nila” ayon kay Supyan.

Inamin din ni Supyan na dahil sa serye ng military operatons na tumutugis sa BIFF members sa Maguindanao del Sur, ay napilitan silang gumanti. Sila ang nasa likod ng pang-aatake sa isang Infantry Battalion ng army sa Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan at army detachment sa Pagatin, Datu Salibo.

“Wala kaming pinagsisihan sa ginawa namin,” saad pa ng BIFF spokesperson.

“Nirerespeto namin ang Moro Islamic Liberation Front o MILF at ang peace process pero lagi kaming hinaharass ng mga army,” ayon pa sa kanya.

Nanahimik umano sila sa loob ng mahabang panahon pero may mga pagkakataong bigla silang inaatake ng 105mm mortar mula sa militar.

Inihayag din ni Supyan noong magsasagawa na sila ng ambush sa lugar noong Linggo ay nagkataong nasa lugar din ang BIFF Bungos Faction kaya nagsanib pwersa ang dalawang grupo.

Iginiit nito na hindi sila masamang tao at hindi rin nang-eextort sa mga sibliyan.

Nagbabala rin ito sa mga sibilyan sa komunidad na umiwas sa mga military camps dahil tuloy ang kanilang laban kontra militar.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...