Barangay Kagawad, patay sa ambush sa Maguindanao Norte
Mindanao Armed Conflict • 09:30 AM Tue Nov 21, 2023
244
By:
DXMS
Ang sasakyang minamaneho ni Kagawad Anwar Mamukan. (PNP Photo)
KINILALA ni Sultan Mastura PNP Chief Capt. Elmar Elarcosa ang nasawing kagawad na si Anwar Rumanggar Mamukan 48-anyos, re-elected barangay kagawad ng Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Nangyari ang pamamaril habang sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab na may license plate MAV-4906, pasado alas 4:00 ng hapon kahapon.
Pagsapit nito sa Barangay Crossing Balut ay pinagbabaril siya ng riding tandem suspects.
Anim na bala ng caliber 45 pistol ang tumama sa biktima kaya agad siyang binawian ng buhay.
Inaalam pa ng PNP ang motibo ng krimen.