Tuesday Jul, 16 2024 11:43:21 PM

Babaeng negosyante, patay sa pamamaril sa Isulan

Peace and Order • 18:30 PM Fri Jan 12, 2024
797
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

ISULAN, Sultan Kudarat- Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Isulan PNP sa panibagong insidente ng pamamaril sa Prk. Katilingban, Brgy. Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat pasado ala-1 ng hapon, Enero 12, 2024.

Sa panayam ng Radyo BIDA, kinilala ni Isulan PNP chief of police Lt. Col. Richelu Alucilja ang biktima na si April Grace Dacutin, 30 anyos, online seller, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Alucilja ang biktima ay binaril posible ng riding tandem suspect habang pinaapaatras ang kanyang sasakyang Mitsubishi Xpander (Y1A461) sa harap ng kanilang bahay.

Ang nasabing biktima ay nagtamo ng malubhang mga tama ng bala ng baril sa leeg at kaliwang balikat na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Inaalam pa ng PNP ang motibo sa pamamaril.

ito ang ikalawang insidente ng pamamaril ngayong linggo, matapos binaril rin ng mga suspek ang sasakyan ni DepEd Sultan Kudarat Supervisor Eric Balancio sa Brgy. Kalawag 2.

Nilinaw naman ng opisyal na magkakahiwalay at isolated cases ang mga nangyaring pamamaril sa bayan.

9 na kababaihan pasok sa Top 10 Shari'ah bar exam passers

With an 86.75% score, Nurhaifah Hadji Said Punginagina is ranked first in the Top 10 in the 2024 Shari'ah Bar Examinations. Supreme Court...

Maguindanao Sur now under state of calamity due to massive floods 

COTABATO CITY  – The Maguindanao del Sur provincial board approved has approved this afternoon a resolution putting the entire province under...

PRO-12 sends augmentation force for Tnalak in SoCot

GEN. SANTOS CITY - Brig. Gen. Percival Augustus Placer, PRPO-12 regional director, spearheaded on Monday the send-off ceremony of the 106 police...

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...