Babae nahagip at napatay ng Mindanao Star Bus na patungong Cotabato City
Local News • 11:30 AM Tue May 28, 2024
277
By:
Edith Caduaya/Newsline.ph
PNP Photos
DIGOS CITY, Davao Del Sur - Patay ang isang 51 taong gulang na matandang babae makaraang siya ay mahabig ng Mindanao Star Bus sa Purok Mangga, Barangay Cogon, Digos City kahapon.
Kinilala ng Digos PNP ang biktima na si Dolores Cadayuba na taga Barangay Cogon.
Ang bus ay mula Davao patungong Cotabato City at dadaan sa Digos City terminal nang mangyari ang aksidente. Ahng Mindanao Star Bus ay minamaneho ni Richard Lingatong.
Tumatawid ang matanda sa kalsada nang mangyari ang aksidente, ayon sa PNP