Asawa at anak ni CPP-NPA leader George Madlos, patay sa encounter kontra military sa Bukidnon
TIMRA Reports • 06:45 AM Mon Sep 5, 2022
507
By:
Jheanie Cabangon/Timra
Mga bagay na nakuha sa nasawing si Vincent Madlos. (Larawan bigay ng 8th Infantry Battalion)
SA BUKIDNON, iniulat ng 403rd Infantry Brigade na napatay sa encounter ang asawa at anak ni George Madlos alis Ka Oris ng CPP-NPA.
Kinilala ang nasawing anak na si Vincent Isagani Madlos na nagsisilbing lider ng grupo kapalit ni Ka Oris. Nasawi din ang asawa ni Madlos na si si Angie Polandres Salinas.
Nakasagupa ng tropa ng 8th Infantry Battalion ang grupo ni Vicent Madlos ala una kahapon sa bayan ng Impasug-ong.
Larawan sa iba ay mga baril na nakuha sa mag-inang NPA leaders.