Sunday May, 19 2024 10:29:06 PM

Antipas newly elected barangay kagawad patay sa pamamaril, pangalawa sa North Cotabato ngayong buwan

Local News • 10:30 AM Tue Nov 7, 2023
2
By: 
NDBC NCA / Edwin Fernandez
Mga larawan mula sa social media sites at mula kay Cejay Palmes ng Antipas.

KIDAPAWAN CITY - Patay ang isang bagong halal lamang na barangay kagawad sa Antipas, North Cotabato matapos na pagbabarilin kaninang umaga sa boundary ng Barangay Dolores at Barangay Magsaysay.

Kinilala ng Antipas Municipal Police Station ang biktima na si Kagawad Edmar P. Perero ng Barangay Dolores.

Noong nakaraang Barangay at SK elections, si Perero ay nanalo bilang No. 2 kagawad ng barangay.  

Siya ang pangalawang barangay kagawad na nanalo nitong nakalipas na eleksyon na binaril at napatay sa North Cotabato.

Ang pamamaril ay mahigpit na kinundina ng Antipas municipal police station.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Antipas PNP.

Noong Nov. 1, binaril at napatay ng kanyang pinsan si Kagawad Suharto Antilino ng Barangay Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Midsayap police chief Lt. Colonel John Miridel Calinga, bago ang pamamaril, nag-uusap si Antilino at ang kanyang di kinilalang pinsan sa gilid ng kalsada di kalayuan sa barangay hall.

Makalipas an gilang minuto, narinig ng mga saksi na nagsabi si Antilino sa wikang Maguindanaon na "huwag kang ganyan pinsan," sabay takbo pero hinabol siya ng suspect at pinaputukan.

Ayon kay Calinga, ito ay hindi isang kaso na may kaugnayan sa eleksyon kundi personal grudge. Nananatiling at large ang pinsan ng biktima. 

May be a graphic of text that says 'AINT POLICE LINE DO NOT CROSS LINE DO NOT CRO November 7, 2023-Antipas MPS Police condemning the shooting incident victimizing Edmar Pineda Perero, 34 years old and resident of Purok 1, Barangay Dolores, Antipas, Cotabato Makipagtulongan sa ating KAPULISAN para sa mapayapang pamayanan Ireport Mo, Huwag Matakot! Tumawag Mag Text sa Antipas MPS hotline SERVICE WITH A H.E.A.R.T HUMILITY ENTHUSIASM ASPIRATIONS RESPECT TIMELY and APPROPRIATE RESPONSE antipascot@yahoo.com Antipas Municipal Police Station PRO 12 ANTIPAS 0918- 604 8956'

May be an image of 5 people, golf cart and motorcycle

May be an image of 1 person and text that says 'REST IN PEACE JUSTICE FOR Kagawad Edmar Perero'

 

Granada pinasabog sa loob ng Roman Catholic chapel sa Cotabato City, 2 sugatan

COTABATO CITY - Hinagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspect ang isang kapilya ng Simbahang Romano Katoliko sa Barangay Rosary Heights 3 na...

Prayer rally vs charter change set outside Senate on May 22

Opponents of the proposed Charter change are bringing their message to the Senate. Church and civil society organizations have scheduled a prayer...

P108-M worth of shabu seized by PDEA-9 agents in Zamboanga City

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P108 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Canelar in...

Police rearrest 1 of 5 detainees who bolted Parang police lock-up cell

PARANG, Maguindanao del Norte  – Police authorities here have arrested one of the five fugitives who bolted the municipal police station...