Tuesday Jul, 16 2024 11:05:32 PM

5 kalalakihan huli sa anti-drug operation ng Army at PNP sa Maguindanao del Sur

Peace and Order • 10:00 AM Fri Dec 22, 2023
6
By: 
DXMS
Photo from Anggal Midtimbang municipal PNP.

 

NAPIGILAN ng mga pulis ang tangka sanang pagpupuslit ng iligal na droga ng limang mga kalalakihan matapos silang mahuli sa police checkpoint ng Datu Anggal Midtimbang PNP sa Sitio Keteb, Brgy. Mapayag, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao Del Sur, pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni Datu Anggal Midtimbang PNP chief Major Jun Olis ang mga nahuli na sina Jonathan Madi, 19-anyos, Alex Kaminsa, 19-anyos, Mohammad Madi, 21-anyos, Ariel Laguialam, 24-anyos, lahat taga Datu Odin Sinsuat at Hassim Macmod, 20-anyos, taga Poblacion, Talitay, Maguindanao del Norte.

Katuwang ng PNP ang 2nd Mechanized Battalion ng militar sa pagkahuli sa limang mga drug suspects.

Nakumpiska mula sa mga ito ang tatlong mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Ayon sa intel reports, mula sa bayan ng Talitay ang mga suspek sakay ng tatlong mga motorsiklo patungo sanang Poblacion, Dalican, Datu Odin Sinsuat, pero nang pagsapit sa checkpoint ay nadiskubre ang dalang droga mula sa isa sa kanilang mga kasama.

Nasa kostudiya na ngayon ng Datu Anggal Midtimbang PNP ang limang naaresto.

9 na kababaihan pasok sa Top 10 Shari'ah bar exam passers

With an 86.75% score, Nurhaifah Hadji Said Punginagina is ranked first in the Top 10 in the 2024 Shari'ah Bar Examinations. Supreme Court...

Maguindanao Sur now under state of calamity due to massive floods 

COTABATO CITY  – The Maguindanao del Sur provincial board approved has approved this afternoon a resolution putting the entire province under...

PRO-12 sends augmentation force for Tnalak in SoCot

GEN. SANTOS CITY - Brig. Gen. Percival Augustus Placer, PRPO-12 regional director, spearheaded on Monday the send-off ceremony of the 106 police...

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...