Monday Jun, 17 2024 10:38:30 PM

4 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tantangan, South Cotabato

Breaking News • 07:00 AM Mon May 27, 2024
358
By: 
DXOM NDBC
Mga tauhan ng SOCO habang ginagawa ang imbestigasyon. Nakarecover sila ng 37 empty shells ng assault rifle. (PNP Photo)

KORONADAL CITY - Patay ang apat na magkakamaganak habang sugatan naman ang isa pa nilang kasama matapos mabiktima ng pamamaril sa barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato dakong alas dyes kagabi.

Ang mga biktima ay binaril ng isang suspek na pumasok sa kanilang compound habang nagiinuman ang mga biktima.

Ito ay ayon kay Tantangan chief of police major Erika Vallejo.

Sinabi ng mga imbestigador na isang lalaki ang dumating sa compound ng bahay na pag-aari ni Marlon Yuarata sa Purok 5 Luayon, Barangay Dumadalig, Tantangan.  Siya ay armado ng 5.46mm assault rifle na kanyang ginamit sa pagpatay sa mga nag-inuman habang kumakanta sa videoke machine.

Ang mga nasawi on the spot ay ang magkamag-anak na sina Jerry Yuarata, Ronald Vallespin, Argie Villaronte and Marco Combiz, lahat mga magsasaka at nakatira sa naturang lugar.

Sugatan naman si Freddie Tabamo, magsasaka at kaanak din ng mga nasawi.

Inaalam pa ng PNP kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagbaril sa mga biktima.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...