3rd suspect in ambush of physician in Maguindanao Sur surrenders
Breaking News • 13:45 PM Mon Feb 19, 2024
406
By:
NDBC NCA
Mismong si Buluan Mayor Babydats Mangudadatu, Buluan PNP at Ama ng suspek ang humarap sa isinagawang press conference sa Buluan MPS matapos ang ilang araw na paghahanap sa ika-tatlong suspek sa Barroquillo case.
The suspect na itinurong siyang bumaril sa doktor ay hindi na kinilala sa report pero siya ay taga Buluan.
Matatandaang sumuko ang 2 mga suspek sa paghabol at pagbaril sa sasakyan ni Dr. Sharmaine Barroquillo na pauwi na sana sa Sultan Kudarat at inaming robbery ang pakay ng mga ito sa biktima.
Sa ngayon ay patuloy parin na nagpapagaling sa ospital ang nasabing doktora na nagtamo ng tama sa balikat at likod nito.
Abangan ang mga karagdagang impormasyon sa DXOM Radyo Bida Koronadal City.