Friday Jul, 19 2024 05:11:54 AM

3 patay dahil sa cholera outbreak sa Maguindanao del Sur

HEALTH • 09:30 AM Wed Jan 3, 2024
5
By: 
DXMS/Drema Quitayen Bravo
Cordoned off na ang isa sa apat na poso sa Tamar, Talayan, Maguindanao del Sur. (MDRRMO)

TATLO katao ng nasawi nang tamaan ng cholera bago magbagong taon sa Brgy. Tamar, Talayan, Maguindanao del Sur.

Ito ang pahayag ng Maguindanao del Sur Integrated Provincial Health Office bilang paglilinaw.

Unang sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Talayan MDRRM Officer Fuad Samola na lima ang nasawi.

Sinabi ni Samola na abot sa 22 ang na-ospital matapos makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Sa ngayon, sampu pa ang nananatili sa ospital. 

Posibleng mula sa kontaminadong tubig mula sa apat na mga poso sa Sitio Sinindulan ang dahilan ng outbreak.

Inaantay na lamang ngayon ng LGU ang resulta ng isinagawang tests sa mga nakuhang water sample.

Higit isang daang mga residente ang umaasa sa nasabing water source, pero ngayon, pinagbawalan muna sila ng LGU.

Namigay naman ng libreng tubig ang LGU mula sa mga water refilling station para sa ligtas na tubig inumin.

Habang nagbigay rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya ng limang mga nasawi.

Nauna rito, iniulat ng IPHO Maguindanao na pinamumunuan ni Dr. Mohammad Ariff Baguindali na posibleng cholera ang tumama sa mga pasyente. Pinayuhan niya ang mga mamamayan na pakuluan ng mabuti ang tubig bago inumin.

Tatlo ang ang nasawi at hindi lima tulad nang unang naiulat ng municipal disater office, ayon kay Baguindali.

No description available.

No description available.

Bangsamoro launches 3-yr plan for madrasah education

MANILA – The Bangsamoro local government has launched on Thursday a three-year plan to enhance madrasah education in the region. At a forum...

P12.4-M worth imported cigarettes seized in Zamboanga City

COTABATO CITY - The police seized P12.4 million worth of smuggled cigarettes in two anti-smuggling operations in Zamboanga City on Wednesday...

3 BIFF members yield to police in Tacurong

GEN. SANTOS CITY – The PRO 12 police force successfully implemented an intel-driven operation leading to the surrender of three BIFF members at...

OPAPRU: Basilan arms surrender pact 'milestone' in peace process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Thursday welcomed the recently signed memorandum...

Agents seize P1.3-M worth shabu in Cotabato City operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P1.3 million worth of shabu from a dealer operating in three cities and...