2 patay sa pamamaril sa Kabacan
KIDAPAWAN CITY - DEAD ON arrival sa ospital ang dalawang mga nakamotorsiklo matapos barilin ng di pa matukoy na mga suspect sa Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 7 kagabi.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Reynan Bernardo Napalcruz, 29 taong gulang at Jinggoy Bernardo Napalcruz ng Barangay Luna Norte, Carmen, North Cotabato.
Sa report ng Kabacan Municipal Police Station sa pamumuno ni Major Maxim Peralta, lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na sinundan sila ng suspect na kausap at katagpo sana din nila sa naturang lugar.
Hindi muna pinangalangan ng mga pulis ang persons of interest upang hindi makompromiso ang imbestigasyon at mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng dalawa.
Ilan lang ito sa mga kaso ng pamamaril na nangyayari sa lalawigan ng North Cotabato. Kung hindi sa Pikit ay sa Kabacan may mga karahasan.