Thursday Jun, 20 2024 08:21:50 PM

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

Local News • 06:30 AM Sat Jun 15, 2024
200
By: 
DXMS
Ang magulang at kaanak ng nasawing mga bata. (Photo mula sa BARMM READi/OVP)

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Naganap ang insidente pasado alas tres kahapon sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Kwento sa DXMS Radyo Bida ng Purok leader na si Nasrudin Maguindra, naligo sa ilog ang dalawa pero si Haider Badal, 11 taong gulang ay nalunod.

Agad sana siyang tulungan ng nakakabatang kabatid na si Johair, 9 years old, pero pareho silang nalunod at naanod.

Ang dalawa ay parehong elementary pupils at mga residente ng nasabing Barangay.

Dahil sa pagsisisikap ng Philippine Coast Guard, CDRRMC, PNP at mga kaanak, pagsapit ng alas siete ng gabi kanina, unang nahanap si Haider at paglipas ng ilang minuto ay natagpuan naman si Johair.

Sa kasamaang palad, hindi na sila nakaligtas at tuluyan nang binawian ng buhay.

Ito na ang ikatlong beses na may nalunod at namatay sa nabanggit na ilog, ayon kay Maguindra.

Agad na nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President Sara Duterte sa pamilya ng mga biktima.

Ang OVP-BARMM ay nagbigay ng Janazah Kits kay Bonnie Batua, unlce ng mga biktima. 

Sa report ng OVP, sinabi nito na unang nakipag-ugnayan sa kanila si Garib Abas, BARMM port manager para humingi ng tulong matapos malaman ang sinapit ng dalawang mga bata.

"When Muslims die, they are to be washed, prayed over, and buried according to Islamic tradition. To ensure this obligation is fulfilled, and help make the process seamless, a Janazah Set can be requested from the Office of the Vice President (OVP) in BARMM," ayon sa pahayag ng OVP-BARMM.

The Janazah kit is part of OVP's Medical and Burial (MAB) assistance.

 

 

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...