Thursday Sep, 28 2023 12:18:02 PM

13 BIFF sumuko sa Army, tumanggap ng ayuda mula MSSD

Mindanao Peace Process • 09:00 AM Fri Aug 11, 2023
413
By: 
DXMS

TUMANGGAP ng cash assistance at iba pang tulong mula sa LGU, MSSD at MPOS ang mga BIFF members na sumuko sa headquarters ng 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Dala ng mga BIFF members ang kanilang mga matataas na uri ng armas tulad ng sniper rifle, 50 caliber barret, mga bala, grenade launcher at iba pa.

Ang mga ito ay nagmula pa mga bayan ng Rajah Buayan, Datu Unsay, Datu Hoffer, Datu Abdullah Sangki at SPMS Box (Shariff Aguak, Pagatin-Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano, and Shariff Saydona Mustapha).

Bago pa man ang pormal na pagsuko ng mga ito ay una muna silang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng 92nd Infantry Battalion at 6th Mechanized Battalion ng 6ID.

Mismong si 1st BCT Commander Brigadier General Leodovic Guinid ang tumanggap sa mga surrenderees kasama ang mga alkalde ng mga nabanggit na bayan.

Tiniyak ni Guinid na nagpapatuloy ang kanilang paghikayat sa lahat ng kasapi ng BIFF at ibang grupo na sumuko na ang mga ito.

Ayon kay BGEN. Guinid, ito na ang ika-limang batch ng BIFF o katumbas ng 100 na sumuko sa kanilang tanggapan.

Samantala, tiniyak ng Bangsamoro Government, AFP, PNP at ibang stakeholders na bibigyan ng tamang suporta ang mga nasabing BIFF members.

May be an image of 15 people and text

May be an image of 11 people and text

Photos: 6ID Kampilan

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...