Water buffalo vs. Montero sa Sto Nino, South Cotabato
Local News • 15:00 PM Thu Apr 15, 2021
1
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY -- Nasawi ang isang kalabaw matapos na ito ay mabangga ng isang Mitsubishi Montero sa national highway ng New Panay, Sto Nino, South Cotabato alas 4 kahapon, April 14.
Ayon sa initial report na nakarating sa Radyo Bida Koronadal, naghahabulan sa gilid ng highway ang dalawang lalaking kalabaw nang isa rito ang tumawid habang padaan naman ang Montero na minamaneho ng isang abogado.
Naghingalo pa ang kalabaw sa gitna ng highway subalit binawian din ng buhay makalipas na ilang minuto dahil sa tama nito sa ulo.
Sira naman ang bumper ng Montero at ligtas ang driver nito.