Villager chair in critical condition after Koronadal highway crash
KORONADAL CITY - Kritikal ngayon ang kalagayan ni Barangay Zone 2, Koronadal Chairman Hernani De Los Reyes matapos na masangkot sa vehicular crash sa kanilang barangay kagabi.
Ayon kay Koronadal Association of Barangay Chairman President Gregorio Presga, si Delos Reyes na maaring nakatulog ay nahulog sa topdown tricycle ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPATs.
Ang nasabing barangay chairman ay wala pa ring malay ngayon matapos tumama ang kanyang ulo sa daan.
Sinabi ni Presga na pauwi na si Delos reyes mula sa binisitang ka-barangay Barangay Carpenter hill nang maganap ang vehicular crash sa daan patungong Zone II Barangay Hall.
Kinumpirma din ni Presga ang paglipat ng naaksidenteng Barangay Chairman sa isang pribadong ospital sa General Santos City.
Nanawagan din ng tulong si Presga para kay delos Reyes na nakatakdadng isailalim sa operasyon.