Thursday Sep, 28 2023 12:08:47 PM

UPDATE: Negosyante, inagawan ng bag na may P80K cash at binaril sa Libungan, North Cotabato

Local News • 08:45 AM Mon Sep 11, 2023
262
By: 
DXMS and John Felix Unson
Ang biktimang si Librea sa pagamutan. (Photo shared by Wow FM Midsayap to DXMS)

LIBUNGAN, North Cotabato - Sugatan ang isang negosyante matapos na barilin at agawan ng kanyang bag na naglalaman ng tinatayang higit sa P80,000 sa Barangay Cabpangi kagabi.

Naganap ang pamamaril alas 6:40 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima. Kararating lang ni Juan Librea sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Jasper Boston nang agawin ng isa sa tatlong mga suspect ang kanyang bag, ayon kay Libungan town chief Major John Minidel Calinga.

Ayon sa report ng PNP, ayaw ibigay ng 57 taong gulang na si Librea ang kanyang sling bag kayat siya ay binaril sa dibdib.

Sinabi ni Calinga sa panayam ng DXMS na agad tumakas ang mga suspect matapos ang krimen sakay ng motorsiklo sa direksyon patungong Midsayap.

Dinala si Librea sa Mount of Blessing Hospital sa Libungan pero inilipat sa Community Health Service Cooperative Hospital (COHESCO) in Midsayap.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...