Thursday Apr, 18 2024 10:44:54 PM

UPDATE: 2 die, 5 hurt in Mlang highway crash

Local News • 18:45 PM Tue Apr 19, 2022
523
By: 
NDBC NCA
A back how tried to pull the wreckage of a pick up truck out of the mud in Mlang, North Cotabato. (MDRRMO/via Williamor Magbanua)

Ang sana’y magsusundo ng pasyente ay nadamay sa karambola ng apat na sasakyan sa National Highway ng Purok 5, Barangay Langkong, M'lang, North Cotabato alas 6:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay Mlang PNP, isa sa mga namatay ang isang Musa Bago, na Municipal Councilor ng Datu Piang Maguindanao na dead on the spot, Alias Dong Bago sakay sa Toyota Hi Lux pick-up truck.

Habang sugatan din ang mga kasamahan nitong sina;

1. Ali Macaragtong Cusain

2. Alias Muhamad Bago

3. Alias Adjes Mantil

4. Alias Mao Bago at,

5. Alias Candana

Nasugatan din si Nataniel Niar Narciso, 41, residente ng Libungan driver ng Honda Brio sakay ang empleyado ng Department of Transportation and Communication na si Jeny Cardoza Ngalis.

Kabilang din sa naaksidente ang Empleyado ng DENR na si Eslaiding Ungay Pinto, 35 years old na taga Buluan, Maguindanao, driver naman ng Ford Ranger kasama ang isang Aljan Gumama Mangudadato ng Koronadal LGU.

Sakay naman sa isa pang Toyota Hi-lux ang Regional Director ng Civil Service Commission na si Resurrection Pueyo, 63 years old.

Sa imbestigasyon ng PNP, binabaybay ng itim na Toyota Hi-lux, Honda Brio at Ford Ranger ang parehong direksyon papuntang Bagontapay nang mabangga nang Hi-lux ang Honda Brio na siyang dahilan ng paggiwang-giwang sa kalsada at nabangga ang naunang Ford Ranger at ang kasalubong na isa pang Toyota Hi-lux.

Yupi at tumilapon sa iba't-ibang direksyon ang apat na sasakyang nasangkot sa aksidente.

Agad namang dinala sa bahay pagamutan ang mga biktima pero dead on the spot ang driver ng itim na hi-lux na councilor at ang isa pang kasamahan nito na umano'y may susunduin lang na pasyente sa Tulunan, Cotabato.

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...