Tulong ni P. Marcos, hiniling ng mga mayors para maresolba ang isyu sa Maguindanao del Norte
COTABATO CITY - HINILING NG MGA mayor sa Maguindanao del Norte kay Pangulong Marcos na mag-intervene o mamagitan upang maresolba ang tinawag nilang crisis sa lalawigan sa isyu ng governorship at budget.
Nanawagan ang United Bangsamoro Development Council na pinamumunuan ni Northern Kabuntalan Mayor
Umbra Ramil Dilangalen kay P. Marcos na kilalanin at italaga na ang acting governor o officer in charge sa lalawigan.
Ito ay upang matapos na ang pagkalito ng mga mamamayan kung sino ang kanilang mga provincial officials.
Maalalang sinabi ni Bangsamoro Interior Minister Naguib Sinarimbo na hindi nagbigay ng certificate of recognition ang BARMM kay former Maguindanao Vice Gov. Ainee Sinsuat dahil nag-assume siya nang hindi naman appointed ni P. Marcos.
Ang plebesito kasi ay dapat ginawa bago ang May 2022 elections at ayon sa RA 11550 na naghati sa lalawigan, otomatik na ang vice governor ang magiging acting governor ng bagong lalawigan.