Truck na may kargang mga motor nasunog sa Kidapawan City
Breaking News • 18:15 PM Thu May 13, 2021
629
By:
DXND Radyo Bida
Contributed photo
KIDAPAWAN CITY - Nasunog ang truck na lulan ang sampung brand new motorcycle sa Barangay Sikitan, Kidapawan City pasado alas 2:00 ng hapon kanina.
Batay sa impormasyon patungo sana ng Antipas, North Cotabato ang truck pero pagdating sa lugar ay bigyang lumiyab ang likurang bahagi ng sasakyan.
Inaalam pa ngayon ng BFP- Kidapawan ang sanhi ng apoy maging ang danyos sa nasabing insidente.