Treat farmers with dignity, DA-12 exec tells hybrid seed companies
AGRICULTURE • 08:15 AM Sun Jul 25, 2021
1
By:
NDBC NCA /DXOM-Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - Pakitungan ng maganda ang mga magsasaka.
Ito ang paalala ni Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Arlan Mangelen sa mga kinatawan ng hybrid seed companies na kanyang pinulong.
Ayon kay Mangelen kung maayos ang pakikitungo ng mga hybrid companies magkakaroon din ang mga ito ang mas maigting na ugnayan sa mga magsasaka.
Sa pamamagitan nito ayon kay Mangelen ay mas mahihikayat ng mga Hybrid Seed Companies ang mga magsasaka na magtanim ng Hybrid seeds.
Pinulong ni Mangelen sa Koronadal City ang mga kinatawan ng mga Hybrid Seed Companies para paghandaan ang Provincial Hybrid Rice Techno-demo farm sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at North Cotabato.