Thieves rob Matalam treasurer's office
Peace and Order • 10:15 AM Fri Aug 2, 2019
2
By:
Cherry Exim
MATALAM, North Cotabato - Pinasok ng di pa kilalang mga magnanakaw ang Treasurer’s Office sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 11:00 ng gabi noong Mierkules.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Matalam PNP si Ernesto Turba Mondajir, 39 anyos at isang Municipal employee ng nasabing bayan upang i-report na pinasok ang kanilang opisina.
Sinasabing dumaan ang mga suspect sa butas na paglalagyan sana ng air conditioner dahil napag-alamang inaayos pa ang nasabing building.
Pwersahang giniba ng mga suspek ang padlock ng dalawang drawer na naglalaman ng abot sa P31,200 pesos.
Patuloy pang inaalam ngayon ng PNP kung sino ang pumasok at responsible sa pagtangay ng pera.