Friday Jun, 09 2023 10:26:37 PM

Tampakan LGU, nagtatag ng honesty Store; gulay at pagkain may bayad

Breaking News • 17:00 PM Wed Apr 28, 2021
614
By: 
DXOM-AM RADYO BIDA

TAMPAKAN, South Cotabato - Kung nauso sa ibang lugar ang community pantry, ang lokal na pamahalaan ng Tampakan sa South Cotabato ay nagbukas naman kanina ng kanilang honesty store, gulay at pagkain nabibili sa murang halaga.

Mabibili sa honesty store sa tapat ng Sto. Niño Parish Church ang mga murang gulay at iba pang pangunahing pangangailangan. Walang tindera na nagbabantay at wala ding CCTV camera.

Ang mga ito ay inangkat mismo ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka sa lugar.

Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo, nagtatag sila ng honesty store para makatulong sa mga mamamayan na labis na naapektuhan ng pandemya.

Ipinahayag din ni Escobillo na ang pondong malilikom mula sa honesty store ay gagamitin din sa pagangkat ng mga paninda para dito.

Palala naman ng lokal na pamahalaan sa mga tumatangkilik sa kanilang honesty store, bumili lamang ng naayon sa pangangailangan at huwag kaligtaan na ilagay sa kahon ang kanilang bayad.

Tiniyak din ni Escobillo ang mariing pagpapatupad ng minimum health protocol sa honesty store.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...