Monday Nov, 28 2022 02:08:35 PM

Suspect sa Tacurong bus bombing, nahuli

Mindanao Armed Conflict • 16:00 PM Wed Nov 9, 2022
216
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal
PNP photo

Esmael Daomilang na naputol ang paa dahil sa Tacurong bus bombing, isa sa mga suspek na natukoy ng PNP

PRO 12- Nagbunga ng positibong resulta ng pagsisikap ng Special Investigation Task Group o SITG ng Police Regional Office 12.

Ito ay matapos matukoy na isa sa mga suspek sa bus bombing incident sa Tacurong City ang pasahero ding si Esmael Tamama Daomilang, 55 anyos na nagtamo ng matinding mga sugat.

Si Daomilang ay kinasuhan na ng PRO 12 ng paglabag sa Anti-Terrorism Act base na rin sa mga pahayag ng mga saksi at mga ebidensya na nakuha ng mga otoridad sa crime scene.

Kaugnay nito pinuri naman PRO 12 Regional Director Brig. General Jimili Macaraeg ang SITG na pinamumunuan ni P/Col. Rogelio Raymundo Jr. sa agarang pagtukoy sa nasabing suspek.

Gayunpaman ayon kay Macaraeg patuloy pa rin ang PNP sa pagtugis sa mga kasabwat ni Daomilang.

Ito ay para masawata rin ang Dawlah Islamiyah Group na pinaniniwalaang may kagagawan ng mga pambobomba sa mga bus ng Yellow Bus Line Inc.o YBLI sa rehiyon.

Ipinunto din ni Macaraeg ang pananatili ng mahigpit na seguridad para matiyak ang kaligtasan laban sa terorismo ng publiko.

Matatandaan ang 1 ang patay at 11 ang sugatan kabilang ang suspect na si Daomilang sa pagpasabog sa Tacurong city noong linggo, Nobyembre 6, 2022 sa YBL bus na may rutang Kidapawan-Koronadal City.

Makikita sa larawan si Daomilang na taga Buluan, Maguindanao na tumanggap ng ayuda mula DSWD 12 matapos maputol ang paa dahil sa pagsabog.

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...

2 suspects in bus bombing killed in shootout

COTABATO CITY - The couple tagged in the November 6 bombing of a bus in Tacurong City who resisted arrest when policemen tried to arrest them...