Monday Nov, 29 2021 04:19:38 AM

Sunog sa Koronadal, apat na bahay natupok

Local News • 16:15 PM Wed Sep 29, 2021
227
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Koronadal kaugnay sa nangyaring sunog na naganap sa Odi corner Morrow St, Prk. Silangan, Brgy. Zone 2 nitong lungsod alas pasado 2 kaninang hapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng pamilya Villaruz kung saan apat na bahay ang nilamon ng apoy.

Apektado rin sa naturang sunog ang pamilya Cañete, Pama, at Duplito.

Ayon kay tatay Rudy Pama, bigla na lamang umanong sumiklab ang apoy nang papalabas na ito sa kaniyang bahay.

Nagtulong-tulong naman ang mga firetrucks ng BFP-Koronadal, BFP-12 at KCC Fire Volunteers hanggang sa tuluyang na-kontrol ang apoy.

Samantala, nasa ligtas nang kalagayan ang isang batang may diperensiya umano sa pag-iisip matapos na-report na nawawala sa kalagitnaan ng sunog.

Personal namang bumisita si Koronadal Mayor Eliordo Ogena sa mga nasunogan at tiniyak ang karampatang ayuda para sa mga ito.

Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP ang kabuuang pinsala ng sunog at ang pinagmulan nito.

Only 17 new COVID-19 infections in Region 12, zero fatality

Regional COVID-19 tracker as of November 28, 2021 (6:00 PM) SEVENTEEN (17) NEW CONFIRMED CASES SIX (6) NEW RECOVERIES NO NEW COVID-19...

Bong Go hails release of funds for health worker's compensation, benefits

Senator Christopher “Bong” Go shared that President Rodrigo Duterte instructed the release of additional budget to compensate healthcare workers (...

3 persons, including a senior and a minor survive electrocution

MLANG, North Cotabato – Nagpapagaling na ngayon ang maglola makaraang makuryente sa Barangay Bagontapay, Mlang North Cotabato . Ayon sa...

More towns get BARMM-funded town hall projects

COTABATO CITY - Three more towns got municipal building projects worth P25 million each from the Bangsamoro administration, meant to boost...

Cotabato Light starts sending consumers' power bill via SMS, email

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has started using eBillTxt to manage account bills with ease of its clients. Consumers are...