Sunog sa Cotabato City, higit P700 libong halaga ng ari-arian natupok
Local News • 18:45 PM Wed Apr 12, 2023
563
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
COTABATO CITY - Naiwang nakasaksak na electric fan ang isa sa mga posibleng dahilan ng sunog sa Purok Masigay, Barangay Bagua Mother dakong alas 10 ng umaga kahapon.
Sinabi ni Cotabato City BFP community relations officer FO2 Anthony Henilo na tumagal ng mahigit kalahating oras bago tuluyang naapula ang apoy at hindi na kumalat pa sa mga katabing mga bahay na lahat ay gawa sa light materials.
Posible pa aniyang tumaas ang bilang ng mga ari-arian at gamit na nasunog kapag nakumpleto na ang kanilang imbestigasyon.
Sa nakalipas na fire prevention month, nakapagtala ang BFP ng dalawang sunog sa lungsod at umabot sa mahigit dalawang milyon ang danyos sa mga ito.