Sunog, naganap sa Taviran, DOS, Maguindanao
Local News • 06:30 AM Sat Nov 12, 2022
813
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
ABOT SA LIMA hanggang sampung mga bahay ang natupok ng apoy sa isang housing project sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kagabi.
Malapit lamang ito sa kanto ng nasabing Barangay.
Ayon sa mga residente, pasado alas siete kagabi nagsimula ang sunog.
Inaalam pa ng BFP DOS kung ilang mga bahay, ano ang sanhi at ang pinsalang dulot nito.