Thursday Sep, 28 2023 11:54:05 AM

Sundalo tinambangan sa Datu Salibo, Maguindanao Sur

Mindanao Armed Conflict • 17:30 PM Wed Sep 6, 2023
291
By: 
Drema Quitayen Bravo
Mga rumespondeng kasamahan ng biktima. (contributed photo)

NAKALIGTAS sa pamamaril ang isang sundalo sa Sitio Kamidon, National Highway Brgy. Butilen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur pasado alas 8:00 ng umaga kanina.

Kinilala Datu Salibo town police chief Capt. Ramillo Serame ang biktima na si Private First Class Joey Menguita, nasa hustong gulang, na nakatalaga sa 33rd Infantry Battalion ng militar at residente ng Central Glad, Midsayap, North Cotabato

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda CRF 150 pauwi sanang Midsayap nang pagdating sa pinangyarihan ng krimen ay pinagbabaril ito ng riding in tandem suspects.

Tinamaan ang biktima sa kanyang balikat at tiyan. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng 9mm pistol.

Nagawa pang makapagmaneho ng biktimang sundalo sa Army Detachment ng Magaslong, Datu Piang, Maguindanao Sur hanggang initakbo ito sa pagamutan.

Patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaril.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...