Saturday Apr, 20 2024 09:59:37 AM

"Sukarap" pinasok ang bahay ng isang Senior Citizen; biktima hinampas pa ng bote sa ulo

Peace and Order • 23:30 PM Wed Feb 26, 2020
1
By: 
Mark Jamillo
Ang bahay ng biktima. (contributed photo)

KORONADAL CITY- Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang senior citizen matapos na napagtripan ng mga menor de edad, o mas kilalal na "Sukarap" sa Barangay Zone 4, nitong lungsod.

Nagmagandang loob pa ang senior citizen sa pag bukas ng gate sa hindi bababa sa 10 mga menor de edad.

Nagtamo ang senior citizen ng mga sugat sa katawan dahil sa bugbug at sugat sa ulo dahil sa hampas ng bote.

Sinabi naman ni Barangay Kagawad Maricel Angkay na hindi mga residente ng Barangay Zone 4 ang mga menor de edad. Nagiging tambayan naman ng mga ito ang Public Cemetery.

Nabatid na bago nangyari ang insidente, nagnakaw pa umano ang mga kabataan ng anim na case ng beer.

Sinabi naman ni Koronadal City Chief of Police Lt. Col Jofel Siason na nakilala na ng pulisya ang mga responsable. Tatlo lamang umano ang pumasok sa bahay ng matanda at nagsilbing look out naman ang iba. Ang tatlong mga menor de edad ay tumakas umano sa bahay pag-asa.

Ang Bahay Pag-asa ang nangangalaga sa mga kabataan para matulungang maibalik ang disiplina at maayos ang kanilang buhay.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...