Wednesday May, 12 2021 04:59:53 PM

South Cotabato national Gawad Manlilikha awardee pumanaw na, 106

INDIGENOUS PEOPLES NEWS • 17:15 PM Wed Jan 27, 2021
398
By: 
RADYO BIDA KORONADAL
Photo courtesy of Kim Windell Villafranca Tiblani

KORONADAL CITY- Pumanaw na kahapon sa edad na 106 years old si Bai Yabing Masalon Dulo ang ipinagmamalaking 2018 GAMABA o Manlilikha ng Bayan Awardee ng South Cotabato. Ito ayon kay Arts Culture and Tourism Museum Unit Senior Tourism Operations Officer Argie Asaria ay kanilang ikinabigla at ikinalungkot.

Kinumpirma naman ni Asaria na bago binawian ng buhay labas pasok na sa ospital si Masalon Dulo dahil na rin umano sa edad nito. Ayon kay Asaria tiyak din na magbibigay pugay sa sumakabilang buhay na GAMABA awarde ang National Commission for Culture and the Arts o NCCA. Kaya ayon kay Asaria magbibigay na lamang ng tulong sa mga naulila nito ang provincial tourism office.

Si Bai Yabing Masalon Dulo ay kinilala dahil sa pagsulong nito sa ikat weaving o paghabi ng tradisyunal na Blaan cloth na “Mabah tabih.” Ayon kay Asaria sa huling yugto ng kanyang buhay naturuan din ni Masalon Dulo ng ikat weaving ang mga mamamayan sa kanilang komunidad sa Barangay Landan,Polomolok, South Cotabato.

Sa katunayan si Masalon Dulo ay naging Cultural Master for the Blaan Weaving School of Living Tradition sa kanilang lugar.

Ngunit para kay Asaria ang pinakamalaking naging kontribusyon nito ay ang maturuan ang mga mamamayan ng South Cotabato kung papaano pahalagahan ang kultura at sining.

Pinaalahanan din ni Asaria ang publiko na dahil sa COVID-19 pandemic limitado lamang ang maariing dumalaw at mariing ipinatutupad ang health protocol sa burol ng pumanaw na Gawad manlilikha awardee.

Wanted terrorist killed in Maguindanao

MAGUINDANAO --- Soldiers shot dead a wanted member of the Dawlah Islamiya group in an encounter Tuesday in Datu Saudi Ampatuan town. Major Gen....

5 BIFF bandits killed in latest Maguindanao hostilities 

MAGUINDANAO - Five members of the outlawed Bangsamoro Islamic Freedom Fighters perished in a gunfight with pursuing soldiers in Datu Paglas...

CM Ebrahim: Learn the Arabic language to understand the Qur’an

COTABATO CITY — Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim has encouraged the Bangsamoro people to learn the Arabic language in order to...

Go opens 109th Malasakit Center in Maguindanao

SULTAN KUDARAT, Maguindanao --Senator Christopher Lawrence “Bong” Go opened Tuesday the 109th Malasakit Center in the country at the Cotabato...

Duterte pleads for end of violence in Maguindanao

CAMP SIONGCO, Maguindanao – President Rodrigo Duterte on Tuesday sought the help of Bangsamoro officials to stop the violence and terror acts...