Some fatalities of Kusiong, Datu Odin Sinsuat landslides buried
INDIGENOUS PEOPLES NEWS • 23:30 PM Mon Oct 31, 2022
1
By:
DXMS RADYO BIDA COTABATO
Images courtesy of former Deputy Governor for IP Affairs at Office of the Deputy Governor for Indigenous Peoples-ARMM
Sabay-sabay na inilibing kanina ang 20 mga bangkay na nahukay ng rescue team sa tinaguriang ground zero ng Bagyong Paeng sa Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Karamihan sa mga ito ang katutubong Teduray.
Bakas sa mukha ng mga kaanak ng biktima ang labis na paghihinagpis sa sinapit ng kanilang mga kaanak.
Kabilang din sa inilibing kanina ang pinakahuling nahukay ng mga rescuers na isang 3-month-old baby.
Ang paglibing sa mass grave ay isinagawa sa bahagi pa rin ng Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat.