Security guard, pinakahuling biktima ng pamamaril sa Pikit
Local News • 07:00 AM Tue Oct 11, 2022
533
By:
DXND RADYO BIDA
PIKIT, Norfth Cotabato - Sugatan ang isang matanda matapos mabaril umano ito sa Barangay Inug-ug alas 4:40 kahapon ng hapon, October 10, 2022.
Agad na tinulungan ng mga residente ang nasabing matanda at naisugod sa bahay pagamutan.
Ang biktima ay security guard ng isang pawnshop sa bayan.
Ang pamamaril ay isa lang sa maraming kaso ng shootign na naitala sa bayang Marikit at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang agarang solusyon sa problema kahit marami ng mga police at Army sa bayan.