Scrap metal buyers shot dead in Sultan Kudarat, Maguindanao
Local News • 19:00 PM Thu Jul 22, 2021
824
By:
NDBC NCA
COTABATO CITY - Patay matapos pagbabarilin ng naka motorsiklong suspek ang mag-amang ito sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao pasado ala una kaninang hapon.
Ayon sa mga nakasaksi, sakay ang mga biktima sa kanilang minamanehong motor na ginagamit sa pagbebenta ng bote bakal nang bigla na lamang silang pagbabarilin.
Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief Lt. Col Julhamin Asdani ang mga nasawi na sina Gilbert Hipolan, 50 taong gulang at Cynthia Blazo, 23 years old, pawang taga Pigcawayan, North Cotabato.