Saturday Jun, 10 2023 06:41:32 AM

Rocket Propelled Grenades, narecover ng Army sa North Cotabato

Mindanao Armed Conflict • 20:15 PM Tue May 9, 2023
553
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Narekober ng mga sundalo ng 34th Infantry (Reliable) Battalion nitong Lunes ng umaga (Mayo 8, 2023) sa Barangay Tugal, Midsayap, nORTH Cotabato ang tatlong mga malalakas na uri ng Rocket Propelled Grenades o RPG na naiwan ng mga naglalabanang grupo dahil sa rido.

Sinabi ni 34th Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Rey Rico na habang nagsasagawa ng security assistance ang kanyang mga tauhan para sa mga staff ng Ministry of Social Services and Development ng BARMM ay may isang sibiliyan ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa tatlong mga bala ng RPG.

“Kaagad nating pinakordon ang lugar at nagpatawag tayo ng isang EOD Team para sa recovery at disposition ng na-recover na eksplosibo. Bandang tanghali matagumpay naman itong nakuha at nasa kustodiya na ng EOD Team,” ayon kay Lt. Col. Rico.

Sinabi ni 602nd Infantry Brigade commander Brigadier General Donald Gumiran na nagsasagawa ng Validation, Identification at Assessment ang mga kawani ng MSSD BARMM Midsayap Cluster sa mga nasirang kabahayan dahil sa Armed Conflict sa Barangay Tugal, Midsayap, Special Geographic Area ng BARMM nitong Mayo 3, 2023.

“Dahil sa awayan ng dalawang paksyon nasaksihan ng mga kawani ng MSSD BARMM ang sitwasyon ng mga residente sa Sitio Mapayag, Sitio Labo at Sitio Basak na lubusang naapektuhan dahil sa kaguluhan. Sa tulong ng mga Social Worker ng Midsayap Cluster naisagawa ng maayos ang nasabing aktibidad,” ayon kay Brig. Gen. Gumiran.

Pinasalamatan naman ni 6th Infantry Division commander Major General Alex Rillera ang indibidwal na nagbigay ng impormasyon sa presensya ng tatlong eksplosibo gayun din ang agarang pagtugon ng 34IB sa insidente at naagapan ang mas malaking panganib hindi lamang sa mga kasundalohan pati na rin sa mga sibilyan kung tuluyang gagamitin ito sa masasamang plano.

“Bilang mga sundalo, tungkulin nating pagsilbihan ang ating mga kababayan sa anumang sitwasyon. Nakahanda rin tayong magbigay ng tulong sa ating mga LGU’s at Government Line Agencies para maihatid ang programa ng gobyerno sa ating mga kababayan,” pahayag ni Rillera na siya ring hepe ng Joint Task Force Central. 

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...