Monday Nov, 29 2021 04:16:10 AM

Region 12 joint TF to End Local Communist Armed Conflict tutol sa defunding ng ELCAC

Mindanao Armed Conflict • 19:15 PM Wed Nov 17, 2021
137
By: 
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY - Mariing tinututulan ng Joint Task Task Force to End Local Communist Armed Conflict o JRTF-ELCAC 12 ang panawagan na pagbawi ng pondo para sa NTF-ELCAC.

Napagusapan ito sa monthly meeting ng Task Force na bumalangkas ng resolusyon na pagsuporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conlfict o NTF-ELCAC.

Ipinahayag ng grupo ang kanilang pagtutol sa defunding ng NTF-ELCAC partikular na sa Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program o LGSF-SBDP.

Ayon sa JRTF-ELCAC mababalewala kasi ng defunding ang kabutihang nagawa ng EO 70 lalo na sa mga liblib na conflict-affected communities o isolated and disadvantage areas o GIDAs na nakinabang sa socio-economic intervention ng pamahalaan.

Kaugnay nito sinabi ni Lasak, Columbio Sultan Kudarat Barangay Chairman Angelito Memorial na ngayon pa lamang sila nakatanggap ng P20 million mula sa national government.

Ang pondo na bihira lamang ayon kay Memorial ay gagamitin nila sa konstruksyon ng farm-to-market road, health station, potable water supply system, tulong sa mga mahihirap na pamilya at electrification project.

Ang Basak ay kabilang sa 62 na mga barangay sa SOCCKSARGEN na nalakaip LGSF-SBDP at nabigyan ng tig P20 million.

Nauna nang nagpasa ng resolution na pagsuporta sa NTF-ELCAC at pagtutol sa defunding nito ang Regional Development Council o RDC 12.

Tutol din sa defunding ng NTF-ELCAC ng ilang mga local government unit sa rehiyon.

Only 17 new COVID-19 infections in Region 12, zero fatality

Regional COVID-19 tracker as of November 28, 2021 (6:00 PM) SEVENTEEN (17) NEW CONFIRMED CASES SIX (6) NEW RECOVERIES NO NEW COVID-19...

Bong Go hails release of funds for health worker's compensation, benefits

Senator Christopher “Bong” Go shared that President Rodrigo Duterte instructed the release of additional budget to compensate healthcare workers (...

3 persons, including a senior and a minor survive electrocution

MLANG, North Cotabato – Nagpapagaling na ngayon ang maglola makaraang makuryente sa Barangay Bagontapay, Mlang North Cotabato . Ayon sa...

More towns get BARMM-funded town hall projects

COTABATO CITY - Three more towns got municipal building projects worth P25 million each from the Bangsamoro administration, meant to boost...

Cotabato Light starts sending consumers' power bill via SMS, email

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has started using eBillTxt to manage account bills with ease of its clients. Consumers are...