Radio commentrator sa Tacurong City, patay sa pamamaril
TACURONG CITY - Patay ang isang radio commentator at dating station manager matapos na siya ay barilin sa Barnagay New Carmen, Tacurong City pasado alas 10 ngayong umaga.
Kinilala ang biktima na si Jaynard Angeles, dating radio manager ng Radyo Ni Juan Tacurong, at tumatakbo bilang municipal councilor sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpapa-carwash lamang umano ng kaniyang sasakyan si Angeles nang barilin ito ng pinaniniwalaang mga riding-in-tandem suspects.
Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na kaagad ikinasawi ng biktima.
Hustisya naman ang sigaw ng mga kasamahan nito sa trabaho maging ng pamilya sa sinapit ni Angeles.
Inaalam pa ng mga kapulisan kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang sa nasabing mediaman.
Nabatid na isa sa mga hard-hitting na komentarista si Angeles sa kaniyang programa.