Pulis sugatan sa pamamaril sa Pikit, Cotabato
Mindanao Armed Conflict • 19:30 PM Wed Sep 14, 2022
638
By:
DXND Radyo Bida Kidapawan
PATULOY NA NAGPAPAGALING ngayon sa ospital ang miyembro ng Pikit PNP matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang suspect sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Ang biktima ay isang Patrolman Brian Singco, 33-anyos na nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, dalawang suspect ang responsable sa pagbaril sa biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pikit PNP, nabatid na off duty at nagre-repair lang ng bakod ng kanilang bahay si Singco nang pagbabarilin ito ng mga suspek.
Sa tiyan tinamaan ang biktima na agad namang naisugod sa bahay pagamutan.
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng caliber .45 pistol.
Sa ngayon, hindi pa batid ang motibo nbg pamamaril.