Thursday Nov, 30 2023 12:24:49 AM

Pulis, aksidenteng nabaril ang sarili habang namamalengke

NEWS BRIEFS • 11:15 AM Sun Sep 11, 2022
3
By: 
DXOM RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY - Maging responsable sa paghawak ng mga issued firearms upang hindi mapahamak ang sarili o ang kapwa.

Ito ang apela ni Koronadal City PNP chief of police Lt. Col. Amor Mio Somine sa kaniyang kapulisan matapos aksidenteng nabaril ng isang pulis ang kaniyang sarili.

Kinilala nito ang pulis na si Patrolman Romgie Larroza Llorito, nasa legal na edad at naka-assign sa 1202nd Maneauver Company, RMFB 12 na nakabase sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Batay sa imbestigasyon, aksidente umanong nahulog ang issued firearm nito na 9amm pistol na nakasukbit sa kaniyang baywang habang namimili ng gulay sa Koronadal Public Market.

Sinalo naman ito ni Llorito ngunit aksidenteng pumutok ang kaniyang baril dahilan na tinamaan ito sa kaniyang pribadong bahagi ng kaniyang katawan at tumagos sa bukong-bukong.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital si Llorito at nakatakda umanong isailalim sa operasyon, habang ang issued firearm nito ay nasa kustodiya ng Koronadal PNP para sa karampatang disposisyon.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...