Police na nambugbog ng live-in partner, inalisan ng police badge at baril
KIDAPAWAN CITY - Personal na tinanggalan ng PNP badge ni Cotabato Police Provincial Director Col. Harold Ramos si Corporal Louie Jay Lumancas sa custodial facility ng Kidapawan MPS kung saan ito naka piit matapos masangkot sa pambubogbog at panunutok ng baril sa kaniyang kinakasama.
Sa panayam ng Radyo BIDA kay Col. Ramos, sinabi nitong isa itong paraan para ipakita sa akusado na isang malaking pagkakamali ang ginawa nito lalo na at nasa hanay ito ng mga taga protekta sa mamamayan.
Si Corporal Lumancas ay nakunan ng video na sinisipa at binubogbog ang kinakasama nito sa isang birthday party sa Canapia Subdivision, Poblacion, Kidapawan City bandang alas 12:00 ng madaling araw kanina.
Ang badge ng pulisya ay sumisimbolo ng legal authority o katapatan nito sa tao at batas ng bansa bilang kasapi ng law enforcement unit.