Wednesday Mar, 22 2023 05:20:12 AM

PhilHealth Express Office, binuksan sa Lebak, Sultan Kudarat

HEALTH • 17:45 PM Tue Nov 2, 2021
659
By: 
Jal P. Octavio, NEDA XII-PFPD)
RDC XII Vice-Chairperson and NEDA 12 Regional Director Teresita Socorro C. Ramos speaks during the PhilHealth Express Office launching in Lebak, Sultan Kudarat on October 28, 2021. Other photo shows RDC, NEDA and local officials.

LEBAK, Sultan Kudarat – Binuksan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) sa pamumuno ni Acting Regional Vice President for Region XII Dr. Hector Zenon Leonardo P. Malate ang PhilHealth Express Office sa Bayan ng Lebak, Lalawigan ng Sultan Kudarat noong ika-28 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Kasama sa mga dumalo sa naturang launching ceremony sina Regional Development Council (RDC) XII vice-chairperson at National Economic and Development Authority (NEDA) XII Regional Director Teresita Socorro C. Ramos, RDC XII-MEDAFC chairperson Ronan Eugene C. Garcia, at sina Councilors Juno Marteen S. Vegas at Blesilda T. delos Santos at si Municipal Administrator Joel Q. Bernales na kumatawan kay Mayor Frederick F. Celestial.

Pinasalamatan ni Dr. Malate ang lahat ng sector, kagaya ng RDC XII, na nakibahagi sa pagsasakatuparang magkaroon ng PhilHealth Express Office sa mga lugar na itinuturing na geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDAs) kagaya ng coastal areas ng Sultan Kudarat; at upang lalo pang mapalawak ang serbisyo ng PhilHealth sa mga miyembro nito sa ilalim ng Universal Health Care Law.

Pinasalamatan din ni Dr. Malate ang pamahalaang bayan ng Lebak sa pagbibigay ng lugar sa Lebak Overland Transport Terminal upang maging PhilHealth Express Office.

Sa mensahe naman ni NEDA XII Regional Director Ramos, sinabi niya na ang pagsasakatuparan ng layuning ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ilapit sa publiko ang lahat ng kanilang serbisyo.

Dagdag pa ni Ramos na ginagampanan ng NEDA ang tungkulin na kung saan lahat ng pagpapaunlad ay mararamdaman ng lahat at walang maiiwan.

Sinabi naman ni Garcia na ang pagkakaroon ng PhilHealth Express Office sa Lebak ay napakahalaga para sa mga kababayan nating nakatira sa coastal areas ng Sultan Kudarat at Maguindanao dahil hindi na nila kinakailangang gumastos ng pera at bumiyahe pa sa mga lungsod ng Cotabato at Isulan upang kumuha lamang ng serbisyo ng PhilHealth.

Sa kabilang dako naman, Sinabi ni Councilor Vegas na ang pagkakaroon ng PhilHealth Office sa Lebak ay “dati isa lamang itong panaginip, ngayon ito ay isa nang katotohanan.”

Bukod pa rito, sinabi rin ni Councilor Vegas na bumili ang municipal government ng siyam (9) na ektaryang lupain upang ipamahagi sa mga national government agencies na nais magbukas ng kanilang tanggapan sa Lebak.

Dagdag pa niya, sila ay positbo na mas marami pang ahensya ng pamahalaan ang magbubukas ng kanikanilang tanggapan sa nasabing bayan, gaya na lamang ng Land Transportation Office (LTO) at Social Security System (SSS).

Maliban sa mga residente ng bayan ng Lebak, ang nasbing PhilHealth Express Office ay bukas rin para sa mga residente ng buong KALEPA (Kalamansig, Lebak, at Palimbang) area (KALEPA) ng Sultan Kudarat at maging sa mga karatig-bayan ng Datu Blah Sinsuat, Upi, and South Upi sa Lalawigan ng Maguindanao.

Maliban sa bayan ng Lebak, ang PhilHealth ay mayroon pang dalawang (2) PhilHealth Express Offices sa Lalawigan ng Cotabato: isa sa bayan ng M’lang at isa naman sa bayan ng Midsayap, na kabubukas lamang noong October 1, 2021.

Bukod rito, pinag-iisipan na rin ng pamunuan ng PhilHealth Regional Office XII ang paglalagay ng isa pang PhilHealth Express Office sa bayan naman ng Maitum sa Lalawigan ng Sarangani. (Jal P. Octavio, NEDA XII-PFPD)

BARMM Darul Ifta declares Ramadhan to commence March 23

COTABATO CITY  – A Muslim religious leader today announced that the Holy Month of Ramadhan will official commence on Thursday, May 23, Thursday...

34 loose firearms handed over to military in Basilan

ZAMBOANGA CITY - Lantawan Mayor Nursiya Ismael handed over 34 loose firearms to the military in a ceremonial turn-over held at the 19th Special...

Man with P1,7-M shabu nabbed in Polomolok sting

KORONADAL CITY – Collaborative effort of PRO 12 in intensified campaign against illegal-drugs resulted in the arrest of notorious drug peddler...

Priest mistaken for transporting a "salvaged man"

KIDAPAWAN CITY  – A Catholic priest has claimed that a police officer suspected him of transporting a salvage victim while driving from Digos...

P510K shabu seized in Carmen, North Cotabato, dealer nabbed

KIDAPAWAN CITY – About P510,000 worth of shabu were seized from a High Value Individual (HVI) in Purok 14, Brgy. Poblacion A, Carmen, Cotabato...