PBBM bumisita sa Datu Odin Sinsuat, Maguindannao del Norte, nakipag-usap sa mga bakwet
BANGSAMORO NEWS UPDATES • 20:30 PM Tue Nov 1, 2022
682
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Personal na binisita ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang evacuation center partikular sa Broce Central Elem. School sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao upang makita ang sitwasyon ng mga naapektuhang mga residente.
Karamihan sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa nasabing evacuation site ay nawalan ng tirahan kaya’t namahagi ang pangulo ng P5,000 pesos na cash assistance sa pamamagitan ng DSWD.
Ang naturang halaga ay tulong upang pambili ng materyales sa itatayo nilang mga bahay.
Kabilang din sa natanggap ng mga biktima ng bagyo ay hygiene kits, sleeping kits, food packs at iba pa mula sa iba’t-ibang line agencies.
Photos screenshot from RTVM