Tuesday Mar, 28 2023 12:14:17 AM

Pagpatigil sa "Taka-takal gasoline station," pinalalakas ng LGU ngayong fire prevention month

Local News • 15:30 PM Thu Mar 16, 2023
121
By: 
DXND KIDAPAWAN

ANTIPAS, North Cotabato - Maliban sa layuning mahinto ang pagbebenta ng mga takal-takal na gasolina lalo na sa mga matataong lugar, nais ding mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ng Antipas Local Government Unit ang kanilang mamamayan sa pamamagitan ng mga programa para sa mga Micro, Small & Medium Enterprises o MSMEs.

Ayon kay Antipas Mayor Cristobal "Cris" Cadungon, peligroso ang pagnenegosyong ng taka-takal na gasolina, kunggayun ay naisip nilang isulong ang bersyon ng Serbisyong Totoo Entrepreneurial Program (STEP) ng Cotabato Provincial Government na tinawag nilang Economic Stimulus Program.

Dito, bibigyan ng puhunan ang mga indibidwal na may kakayahang magnegosyo. Mula sa 2-Thousand Pesos na puhunan kapag naibalik at tumubo ito sa loob ng 6 na buwan ay dadagdagan ito ng 4-Thousand ng LGU at kapag tagumpay pa rin sa napiling negosyo ay bibigyan ang nasabing negosyante ng karagdagang 5-Thousand pesos bilang premyo.

Marami na aniyang nakapagsimula sa programang mula sa iligal ngayon ay legal na ang negosyo.

Ilan sa mga pwedeng simulang negosyo ay ang pagluluto ng mga street foods, prutasan, sari-sari store at marami pang iba.

Maliban sa matutulungan ang mga Antipasenos ng naturang programa matuturuan din sila ng entrepreneurship kung saan kailangan nilang sumailalim sa training mula sa Department of Trade and Industry bago makapag avail sa programa.

Make time for charity work this Holy Week, faithful urged

MANILA – The social action and humanitarian arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) urged the faithful to take time to...

Marcos admin committed to fulfilling Bangsamoro peace deal

MANILA – The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is committed to fulfilling all agreements under the Bangsamoro peace process...

Isuzu Crosswind vs. Forward truck sa Isulan, dalawa malubhang nasugatan

ISULAN, Sultan Kudarat - Sugatan ang dalawa katao sa nangyaring banggaan ng Crosswind at Forward truck sa national highway ng Brgy. Bambad, Isulan,...

AFP: 5 Dawlah Islamiyah killed, bombing plot foiled in North Cotabato, Maguindanao Sur

CAMP SIONGCO, Maguindanao Norte  – Military authorities here have claimed that it foiled bombing plots by Dawlah Islamiyah-Hassan Group members...

Bishop urges South Cotabato gov’t to defend open-pit mining ban

KORONADAL CITY - A Catholic bishop has challenged South Cotabato’s chief executive to defend the province’s ban on open-pit mining after an appeals...