Thursday Sep, 28 2023 08:16:19 PM

OMI-run parish in Caloocan to disperse rabbit, hosts rabbit raising seminar

OMI Philippine Province • 17:45 PM Mon Oct 25, 2021
2
By: 
Our Lady of Grace parish news release

CALOOCAN CITY - Upang mapakain ang mas maraming nagugutom ilulunsad ng Shrine of Our Lady of Grace Parish ang Rabbit Dispersal Project sa Caloocan City  ngayong darating na Martes, ika-26 ng Oktubre sa pangunguna ni Fr. Eduardo “Ponpon” Vasquez, Jr., OMI.

Target ng parokya ng Our Lady of Grace na mamahagi ng mga rabbit sa loob ng isang taon sa 100,000 pamilyang mahirap at interesadong matuto na  mag-alaga ng kuneho at gawing bahagi ito ng kanilang hapag at hanap-buhay.

Bago ipamahagi ang mga kuneho ay magkakaroon muna ng seminar sa tamang pag-aalaga nito na pangangasiwaan mismo ng tinaguriang “Father of Rabbitry in the Philippines” na si Mr. Artemio Veneracion, Jr., pangulo ng Association of Rabbit Meat Producers, Incorporated dito sa Pilipinas.

Ang seminar ay magtatapos sa pamamahagi ng Rabbit Dispersal complete package na naglalaman ng 1.)isang kulungan,  2.) isang two-month old na upgraded breed rabbit , 3.) isang automatic drinker, 4.) dalawang kilong pellets,  5.) isang nest box, 6.) at rabbit raising manual.

Ang inisyal na pagkakalooban ng dispersal package sa araw ng launching ng proyekto  ay 75 beneficiaries  bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong taon ng  75  anibersaryo ng pagkakatatag ng Parokya ng Our Lady of Grace.

Ang launching ng Rabbit Dispersal project ay sisimulan sa isang seremonya ng pagkain  ng mga lechong kuneho ng mga panauhing pandangal  na sina Department of Agriculture Secretary William Dar, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Vice-Mayor Maca Asistio at Congressman Along Malapitan.

Ang seremonya ng pagkain ng lechong kuneho ng mga panauhin  ay isang paanyaya at pagpapakita sa mga Filipino na ang karne ng kuneho ay nakakain at ito ay mas masustansya at ligtas kainin kaysa sa ibang karneng mas nakasanayang ng kainin ng mga Filipino.

Mabilis dumami ang kuneho. Sa loob lamang ng isang taon ang isang pares nito ay maaring umabot agad sa mahigit ng isang daan ang populasyon. Kaya naman ito ang nakikita ng Parokya ng Shrine of Our Lady of Grace na solusyon sa pandemya ng pagkagutom.

 

Sectors urge Malacañang, BARMM to protect Liguasan Delta’s ecosystem

COTABATO CITY - Stakeholders want the Bangsamoro government and Malacañang to embark on immediate interventions to save the iconic Liguasan...

MILG infra programs intensified for LGUs to sustain peace, improve governance

COTABATO CITY  – The Ministry of the Interior and Local Governments of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) has...

MagNorte employees say they are regularly paid, ask they be spared

COTABATO CITY - The Provincial Employees Association of Maguindanao del Norte (PEA-MDN) has issued a statement denying claims by Basilan Rep. Mujiv...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...