North Cotabato records 9 new Covid-19 cases
HEALTH • 15:45 PM Wed Mar 17, 2021
587
By:
NDBC DXND RADYO BIDA
NORTH COTABATO – Nadagdagan pa ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 batay sa tala ng DOH-12 kahapon.
Sa nasabing bilang apat ang galing sa Midsayap, tatlo sa Libungan habang tig-iisa sa Carmen at Arakan.
Dahil dito nasa tatlumput anim na ang aktibong kaso ng sakit sa buong probinsya.
Samantala sa mga gumaling sa sakit, siyam rin ang naitala na mula sa probinsya.
Tig apat sa Midsayap at Kidapawan City mayroong isa naman sa bayan ng Pikit.
Dahil diyan umabot na sa 825 ang recoveries sa buong probinsya.