Saturday Apr, 20 2024 07:33:42 PM

NoCot GCQ muli, No Movement Sunday, naging Disinfection Sunday

HEALTH • 11:00 AM Tue Jun 15, 2021
915
By: 
DXND radyo Bida

KIDAPAWAN CITY - Inilahad ni Cotabato Provincial Governor Nancy Catamco sa panayam ng Radyo BIDA Kidapawan na may mga pagbabago sa pagpapatupad muli ng General Community Quarantine o GCQ sa lalawigan matapos aprubahan ito ng National IATF.

Narito ang iilan sa mga panukalang nakatakdang ipapatupad sa GCQ sa probinsya na magsisimula bukas June 16 hanggang sa June 30 ng taong kasalukuyan:

1. May ilalabas na classification sa kung sino ang magpapakita ng negative RT-PCR test result sa mga border checkpoints.

2. Wala ng NO MOVEMENT SUNDAY, magiging DISINFECTION SUNDAY na ito kung saan lahat ng mga estbalisyemento ang magsasara tuwing Linggo upang magsagawa ng disinfection.

3. Back to normal na rin ang misa sa mga simbahan tuwing Linggo, subalit kailangan pa ring tumalima sa 30% na itinakdang seating capacity.

4. Mananatili naman ang curfew hour na magsisimula sa alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.

Ngayong araw ay magsasagawa ng pagpupulong ang Provincial Inter-Agency Task Force at ang Provincial Government para sa mga dagdag pang alituntunin sa pagpapatupad ng GCQ sa probinsya.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...